top of page

3 kasapi ng Abu Sayyaf, sumuko

  • Writer: Darius Ricamara
    Darius Ricamara
  • Feb 16, 2018
  • 1 min read

ISABELA, Basilan - Tatlo umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa military, Biyernes.

Isinuko ni Karim Abubakar, Jimboy Abubakar Aldan at isang menor de edad ang kanilang mga sarili sa 4th Special Forces Batallion ng Philippine Army sa Basilan.

Ang tatlo ay kumilos umano sa ilalim ni Nurhassan Jamiri.

Kasamang isinuko nila ang isang M-16 rifle, garand rifle at war materials.

Sariling Opinyon:

Dapat silang bigyan ng maayos na trabaho upang hindi bumalik sa pagiging rebelde. Dapat lahat ng rebelde ay sumuko na para nawala na ang gulo na nagdudulot ng patayan.

Binibigyan sila ng pagkakataon na mag bagumbuhay at tutulungan sila ng gobyerno.

http://news.abs-cbn.com/news/02/16/18/3-kasapi-ng-abu-sayyaf-sumuko


 
 
 

Comments


bottom of page