top of page

TESDA skills training para sa rebel returnees, ikinasa na

  • Writer: Darius Ricamara
    Darius Ricamara
  • Feb 17, 2018
  • 1 min read

DAVAO CITY - Sumailalim sa "jobs bridging" seminar nitong Biyernes ang unang batch ng mahigit 200 rebel returnees na pinangakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng livelihood program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang unang batch ng 50 rebel returnees ay na-enroll sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) ng National Integration Scholarship Program ng TESDA. Ang seminar ang panimula ng kanilang pagsasanay.

Isa si alyas Hector, dating New People’s Army squad leader, sa mga makikinabang sa programang ito ng TESDA.

Nais ni Hector na makapag-drive at makapag-aral ng pagme-mekaniko upang makapag-trabaho at makatulong sa kaniyang pamilya.

Sariling Opinyon:

Mas maraming rebelde ang gugustohing sumuko at mag bagumbuhay dahil sa pagtulong sa kanila ng ating gobyerno.

Magiging mas maayos na ang kanilang buhay dahil maaari na sila makapagtrabaho ng matino hindi tulad ng buhay nila dati.

Hindi na rin sila matatakot na sa kanilang mga buhay. Kapag nagpatuloy pa ito ay posibleng mabawasan ang kalaban ng ating gobyerno at makakamit na ang kapayapaan na matagal ng inaasam ng bawat isang pilipino.

http://news.abs-cbn.com/news/02/17/18/tesda-skills-training-para-sa-rebel-returnees-ikinasa-na


 
 
 

Comments


bottom of page