Pangulong Duterte, ipinatigil ang foreign marine exploration sa Philippine Rise
- Darius Ricamara
- Feb 7, 2018
- 1 min read
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng pagbibigay ng foreign application for research sa Benham Rise o Philippine Rise.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, layon nito na mapag-aralang mabuti ng pamahalaan ang proseso sa pagbibigay ng permiso sa mga foreign scientist na nais magsagawa ng pananaliksik sa lugar.
Gayunman, maaari pa ring magsagawa ng pag-aaral ang mga dayuhan kung pahihintulutan ng National Security Council.
Bukod sa mga requirement at clearance na hihingiin sa Department of Foreign Affairs, kailangan na ring humingi ng permiso ng foreign institutions na magsasagawa ng Marine Scientific Research o MSR kay Sec. Esperon.
Sa pamamagitan umano nito, mas magiging epektibo ang proseso sa pagbibigay ng permiso ng MSR at matiyak na mapapangalagaan ang resources sa Philippine Rise na sakop ng ating sovereign rights.
Sariling Opinyon:
Tama lang ang ginawa ni Pang. Duterte dahil sa ganitong paraan maiingatan natin ang ating nasassakupan.
Para malaman ng mga dayuhan na hindi sila basta na lang pupunta at mag-aaral nang walang permisyo sa ating gobyerno.
https://www.radyolaverdad.com/pangulong-duterte-ipinatigil-ang-foreign-marine-exploration-sa-philippine-rise/
Comentarios