Mga '15-30' pulis masisibak sa serbisyo: Albayalde
- Darius Ricamara
- Feb 13, 2018
- 1 min read
Tatanggalin sa tungkulin ang mga mahuhuling "15-30" na pulis na nagpapakita lamang para kumuha ng suweldo tuwing kinsenas, babala ng isang opisyal ngayong Martes.
Ayon kay Director Oscar Albayalde, hepe ng Metro Manila police, pinaiimbestigahan na niya ang ilang reklamo laban sa mga nasabing pulis.
"[Mahaharap sila sa] admin case, puwede pong ika-dismiss sa serbisyo iyan," sabi niya sa panayam ng DZMM.
Dagdag ni Albayalde, mawawalan ng bonus ang sinumang kawani na masususpinde habang iniimbestigahan ang alegasyon ng pagpapabaya sa tungkulin.
Sariling Opinyon:
Dapat lang talagang bigyan ng parusa ang mga tamad na pulis upang hindi na paggayahan ng ibang pulis.
Sayang lang ang dagdag sahod sa kanila hindi nila gingagawa ang trabaho nila ng tama at puro kain tulog lang ang ginagawa.
http://news.abs-cbn.com/video/news/02/13/18/mga-15-30-pulis-masisibak-sa-serbisyo-albayalde
Comments