Tumaas din ang presyo ng commercial rice
- Darius Ricamara
- Feb 6, 2018
- 1 min read
Limitado na ang supply ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).
Paliwanag ng NFA, kulang kasi ang nabiling bigas noong nakaraang taon.
"Mayroon tayong supply ng NFA rice kaya lang limitado, so sa ngayon pina-prioritize kung saan dadalhin 'yong NFA rice," paliwanag ni NFA spokesperson Rebecca Olarte.
Bukod sa limitado ang supply, piniling ilaan din ito para sa mga biktima ng kalamidad.
Tulad ng NFA-NCR na naglaan ng 100,000 sako ng bigas sa mga nasalanta kaya't halos wala nang natirang supply ng bigas sa NFA warehouse sa Quezon City.
Nasa 250,000 metriko tonelada lang na bigas ang pinayagang angkatin ng NFA Council noong nakaraang taon.
Sapat lang ito sa pito hanggang walong araw na supply kung sa NFA lang bibili ng bigas ang buong bansa.
Opinyon:
Kinakailangan talagang umangkat sa ibang bansa para maiwasan ang pagkukulang ng suplay ng bigas sa bansa.
Dapat maglaan ng pondo ang pamahalaan para sa pagaangkat ng bigas galing ibang bansa.
http://news.abs-cbn.com/focus/02/05/18/supply-ng-bigas-ng-nfa-kulang-na
Comentarios