Caloocan police nangako: 'Katok-pakiusap', hindi 'katok-putok'
- Darius Ricamara
- Jan 15, 2018
- 1 min read
MAYNILA - Tiniyak ng Caloocan police na mahigpit nilang ipapatupad ang walang-puwersahang pagsasagawa ng "Oplan Tokhang" na muling inilunsad ng pambansang pulisya kamakailan lamang.
Ayon sa Caloocan police, layon ng Tokhang ngayon na bigyan ng oportunidad ang mga inaakusahang adik o pusher na linisin ang kanilang pangalan.
Pagtitiyak pa ni Senior Superintendent Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, walang mangyayaring "katok-putok" sa mga gagawing operasyon ng kanilang "Tokhangers."
"Katok at pakiusap lang po tayo, walang pwersahan. Walang pahiyaan. Mahigpit ang guidelines natin," aniya. "'Yang katok-putok, wala na ngayon. Nagkaroon lang ng negative impact dati kasi may mga maling nagawa."
Sariling Opinyon:
Malaki ang naging tulong ng tokhang sa mga kababayan nating nais tulungan upang makapagbagong buhay. Mas magiging maayos na ang pagpapatupad nito kung ang lahat ng pulis ay susunod sa panuntunan sa pagpapasuko ng mga adik.
http://news.abs-cbn.com/news/caloocan-police-nangako-katok-pakiusap-hindi-katok-putok
Comments