Ginang binaril sa gitna ng kalsada sa Las Piñas, patay
- Darius Ricamara
- Jan 16, 2018
- 1 min read
MAYNILA - Patay ang isang ginang nang barilin sa tapat ng depot store sa Alabang-Zapote Road, bahagi ng Brgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, Linggo, mag-aalas-4 ng hapon.
Dead on the spot ang biktima na si Gregoria Sugita, 47, nakatira sa Buensamino Street sa Brgy. BF Homes, malapit lamang sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay PO1 Alvin Marinay ng Las Piñas-PCP-7, tumatawid ang ginang kasama ang kanyang 18 anyos na anak na lalaki nang paputukan sila ng hindi pa nakikilalang salarin.
Hindi naman napuruhan ang anak ng biktimang si Kenjie. Aniya, nakasakay sa motorsiklo ang lalaking bumaril sa kanila kaya mabilis itong nakatakas. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na helmet.
Sariling Opinyon:
Sobrang malala na talaga ang mga krimen na nangyayari sa ating lipunan. Wala nang takot ang mga kriminal na gumawa ng krimen. Sana lahat tayo ay laging mag- ingat upang maiwas sa kapahamakan.
http://news.abs-cbn.com/news/ginang-binaril-sa-gitna-ng-kalsada-sa-las-pias-patay
Comments