top of page

KILALANIN: Pinoy na nagdala kay 'Wonder Woman' sa Ortigas

  • Writer: Darius Ricamara
    Darius Ricamara
  • Jan 10, 2018
  • 1 min read

Tulad sa ibang panig ng mundo, naging blockbuster sa Pilipinas ang pelikulang "Wonder Woman" na pinagbidahan ng Israeli beauty queen at model na si Gal Gadot.

Kaya naman nang lumabas ang Issue 37 ng Wonder Woman comic series nitong Disyembre, napansin kaagad ng fans na napunta pala sa Pilipinas ang laban ni Wonder Woman.

Noong lumabas si Wonder Woman at ang kalaban niyang si "Darkseid" sa boom tube mula sa Amazon, napunta sila sa Ortigas Avenue at EDSA.

Doon itinuloy ang laban at maraming nasirang sasakyan.

May lumipad na jeepney at ang mga tao ay napatakbo.

Nailimbag pa sa comic book ang paglalarawan sa road sign ng Ortigas Avenue, flyover sa EDSA, at ang Our Lady of Edsa Shrine.

Sariling Opinyon:

Tunay na talentado ang mga pinoy hindi sa ating bansa kaya rin nating makipagsabayan sa ibang mga bansa .

Ipagmalaki nating tayo ay pinoy dahil kilala tayo saan mang panig ng mundo.

Dapat nating gayahin ang mga ganitong tao na hindi niya nakakalimutan ang kaniyang sariling bayan.

Dapat lagi tayo taas noo ano sino man ang makaharap mo.

-Darius

http://news.abs-cbn.com/life/01/10/18/kilalanin-pinoy-na-nagdala-kay-wonder-woman-sa-ortigas


 
 
 

Comments


bottom of page