Ilang guro, may pangamba sa kabila ng dagdag na take-home pay
- Darius Ricamara
- Jan 5, 2018
- 1 min read
Tataas ang net take-home pay ng mga public school teacher simula ngayong taon dahil sa pagpapatupad ng bagong tax reform law at ikatlong bahagi ng salary standardization law pero may pangamba ang ilan sa kanila.
Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa P17,000 lang kada buwan ang naiuuwing suweldo noong 2017 ng isang guro na may Salary Grade 11 o may basic salary na P19,620.
Pero ngayong Enero 2018, papalo na sa P20,179 ang suweldo ng Teacher 1 na ito dahil sa implementasyon ng third tranche ng salary standardization law na unang ipinatupad noong administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Nasa P20,000 din ang kanilang maiuuwing suweldo dahil sa TRAIN.
Nangangahulugan ito na tumaas ang maiuuwing suweldo ng Teacher 1 ng 16 porsiyento o ng halos P3,000 kada buwan.
Sariling Opinyon:
Dahil sa pagpapatupad ng bagong batas na TRAIN Law marami ang natuwa ngunit marami rin ang nangangamba dahil sa pagtataas ng ibang mga bilihin.
Maraming tao ang makikinabang sa batas na ito lalo na yung mga nagtatrabaho sa ibat-ibang kompanya.
Malaki ang tulong nito sa mga guro dahil mas malaki na ang kanilang maiuuwi sa kanilang mga pamilya.
-Darius
http://news.abs-cbn.com/news/01/10/18/ilang-guro-may-pangamba-sa-kabila-ng-dagdag-na-take-home-pay
Comments