top of page

4 arestado sa pagnanakaw sa isang kainan sa Batangas

  • Fay Virrey, ABS-CBN News
  • Jan 6, 2018
  • 1 min read

Arestado ang apat na lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos magnakaw umano sa isang kainan sa Barangay Santiago, Malvar, Batangas nitong Martes.

Ayon sa pulisya, napansin nilang kahina-hinala ang kilos ng mga tao sa loob ng isang kainan sa lugar nitong madaling araw ng Martes.

"Napansin po nila na disi-oras po ng gabi, sarado na po yung tindahan, napansin nila na may mga tao po sa loob.

Kaya naging curious po ang tropa tinigilan nilapitan. Nakita po nila na may kinukuhang pera po,” ani PO3 Roswell Sadicon, imbestigador sa Malvar Police.

Kinilala ang dalawang suspek bilang sina Jayson Arsolon at Eugene Alfanta, habang nasa kustodiya na ng DSWD Malvar ang dalawang menor de edad.

Sariling Opinyon:

Dapat na mas paigtingin ang pagroronda ng mga tanod sa bawat barangay para maiwasan ang mga ganitong mga pangyayari.

Dapat maging mas alerto sa lahat ng oras wag maging pnatag sa nasa paligid natin dahil hindi matin alam kung kelan gagawa ang mga kriminal ng masasamang gawain kagaya nito.

-Darius


 
 
 

Comments


bottom of page