3 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa QC at Navotas
- Isay Reyes, ABS-CBN News
- Jan 4, 2018
- 1 min read
Patay ang tatlong lalaki sa magkakahiwalay na pananambang, Biyernes ng gabi sa mga lungsod ng Quezon at Navotas.
Wala nang buhay at tadtad ng tama ng bala ang lalaking kinilalang si Jeric Tabardilla sa tapat ng kaniyang bahay sa Kalusugan Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Nasa 16 na basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene, indikasyon na talagang nais siyang patayin.
Dahil sa takot, tikom ang bibig ng mga nakakita sa pagkakakilanlan ng suspek dahil pinaputukan pa umano nito ang gate ng mga kapitbahay.
Droga ang tinitingnang dahilan ng pananambang, lalo't nakitaan si Tabardilla ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.
Itinanggi naman ito ng lola ng biktima na si Lorna Ablao. Maayos daw na nagta-trabaho bilang isang pintor ang kaniyang apo.
Sariling Opinyon:
Hindi na talaga ligtas ang sa panahon ngayon laganap na ang maraming kriminal. Dapat mas lalo pang paigtingin ng pulisya ang kanilang pagpapatupad ng batas upang hindi na maulit o mabawasan na ang mga ganitong pangyayari.
Ang mga tao sana na nakakasaksi ng krimen huwag sanang matakot na magsalita para maagapan at mahuli ang mga gumagawa ng ganitong krimen.
Magingat lagi at maging mapagmasid sa lahat ng oras para hindi mabiktima ng masasamang loob at umiwas sa mga ilegal na gawain.
-darius
Isay Reyes, ABS-CBN News
Comments