Paputok, peligroso rin sa mga alagang hayop
- Darius Ricamara
- Dec 28, 2017
- 1 min read
Kung naririndi ang mga tao sa tindi ng ingay ng mga paputok na karaniwang pansalubong sa Bagong Taon, mas lalong perwisyo ito para sa mga hayop, partikular na ang mga alagang bantay at muning.
Ayon sa beterinaryo ng Biodiversity Management Bureau, mas sensitibo kasi ang pandinig ng mga hayop kaya mas apektado sila kapag sobrang ingay sa paligid.

Sariling Opinyon:
Malaki talaga ang epekto ng mga paputok hindi lang sa tao pati na rin sa kapaligiran gayundin sa mga hayop.
Dapat na talagang ihinto ang paggamit ng mga paputok sa halip ay gumamit na lang ng ibang alternatibong pampaingay tulad ng turotot.
Comments