Lalaking dating nagdodroga, nagbagong-buhay dahil sa programa ng DepEd
- Darius Ricamara
- Dec 28, 2017
- 1 min read
Nabigyan ng pagkakataong magbagong-buhay ang isang lalaking dating nalulong sa droga sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education.
Dalawampu't-isang taong gulang na ngayon si "Mark". Ayon sa kanya, 18 taong gulang siya nang mapabarkada. Dito na rin siya nalulong sa droga.
Dahil nanggaling sa isang broken family, sa droga umano siya nakahanap ng ginhawa mula sa mga dinanas na problema.
Sarili kong Opinion:
Dapat lang talagang tulongan ng ating pamahalaan ang mga maligaw ng landas para maitama pa nila ang kanilang nagawang pagkakamali.
Lahat ng tao maari pang magbago kung gugustohin. Hindi pa huli ang lahat sa mga hindi ginustong malulong sa masamang bisyo gaya ng paggamit ng mga ilegal na droga.
Mabuti na lang merong mga programa ang ating pamahalaan para sa mga ganitong tao na gusto na magbagumbuhay.
Comentários